Three Philippine
legislators: Satur Ocampo of Bayan Muna, Crispin Beltran of Anak Pawis and Gabriela’s Luz Ilagan, came to Canada primarily to meet with their counterpart
in the Canadian parliamentarian and to urge the Canadian government to tie up its assistance to Philippine government’s
human rights policies and performance.
On April
15, in between their hectic schedule, Representative Luz Ilagan of the women’s party Gabriela, gave an interview during
Tinig Pinoy’s live broadcast at CKCU 93.1FM. Following the interview with the lady solon from Davao, Tinig Pinoy was able
to solicit comments, by phone, from the Philippines Ambassador to Canada, Jose Brillantes. Mr. Brillantes was in Geneva, Switzerland attending a conference on
human rights and the migrant workers. The interview was conducted in Tag-lish (Tagalog and English). Below is excerpt of both
interviews:
TP (Tinig Pinoy): You’ve been away from the
Philippines since April 4 and busy travelling across Canada.
What is your objective in coming to Canada?
LI (Luz Ilagan): Yes, we’ve been all over
Canada. We came here so we can speak directly with our counterparts
in the Canadian parliament, to those in government and the Filipinos living here in Canada. We want to ask for help regarding the problems we
are having in the Philippines.
Itong mga extra judicial killings ay malaking problema. Simula nang maupo si Gloria Macapagal-Arroyo,
that’s from 2001 to 2007 there had been around 900 people killed, summarily executed. ‘iyong mga nasa bahay lang,
iyong mga aktibista, iyong mga critics niya, mga religious workers, mga social workers.
Wala namang nakikitang dahilan kung bakit hindi sumusunod sa proseso. Kung may problema-idemanda.
Pero bakit naman agad-agad pinapatay. Meron namang iba, ina-abduct. Aba, malaking number din iyon.
At saka may mga tao na aktibista sa environment. Iyong mga sinasabi nating environmental activists
dahil nagpo-protesta sila.
Ito sasabihin ko na ngayon dahil kasali din ito sa aming sadya dito sa Canada. Maraming mga mining companies na taga-Canada na nandoon
ngayon sa Mindanao. Napakayaman ng Mindanao. Gusto natin siyempreng magkaroon ng investments, of course. Gusto
nating matulungan ang ating mga kasama doon sa Davao, sa Mindanao, sa Zamboanga. Pero itong mga malalaking kumpanyang ito ay nakakasira sa ating
environment. At ginagamit ang military, ginagawa nilang mga guwardiya at security force. At kung nandiyan ang mga sundalo,
maraming mga armas, maraming mga human rights abuses.
Kasali din iyan sa aming agenda na aming dinala ngayon sa Parliament. There is no reason why they are not observing due process. We have the court that should be used
if people have broken the law. But why are they simply killing these people?
There are also many more being abducted.
TP: Malaki ang agenda ninyo sa pagpunta dito sa
Canada. Ang mga extra judicial killings, hindi po ba ito
ay talamak na rin buhat pa noong kapanahunan ng mga administrasyon before Mrs. Arroyo?
LI: Noong panahon siguro ng martial law, nung panahon ni Marcos. Eh, kung demokrasya na tayo, kung
bumalik na tayo sa ibang pamamaraan ng pamahalaan bakit nangyayari pa ito?
Kaya iyan ang tanong natin? Bakit nangyayari pa ito. Bakit despite the report of the United Nations’ special raporteur, meron nang galing sa United Nations, si Philip Alston na dumating
at nag-imbestiga. At nakita nga niya ang kuneksiyon ng military personnel, mga sundalo, mga inutusan na pumatay, na hindi
man lang dumaan sa proseso. May korte tayo, kaya ang sabi niya, dapat panagutin ang gubyerno.
TP: Ano naman po ang kasagutan ng gobyerno sa report ni Prof. Alston?
LI: Ang sinasabi nila hindi raw totoo. Kaya nga kangina, pagkatapos na na-interview kami dito
sa radio dito sa Canada, iyong ating Ambassador ay nagsabi na “hind naman ganoon kadami ang napatay. Sa totoo lang sampu lamang ang
napatay ng military. Ang sinasabi natin, mali iyong numbers niya. Kasi ang United Nations na mismo ang gumawa ng report. At saka kahit na
sampu iyan, o kahit nga dadalawa iyan kung malinaw na mayroon gumawa ng kasalanan dapat panagutin at ihabla.
At saka napakaraming pamilya ang na-apektuhan. Katulad mo, ano ang mararamdaman mo if you know
that your husband or your wife or your child has been kidnapped. Katulad nong nangyari kay Jonas Burgos. Nawalang bigla, hanggang
ngayon hinahanap ng nanay niya. At ang last na alam ng pamilya, huli siyang nakita na dinampot ng dalawang tao na ang hitsura
naman ay militar.
TP: Ano naman po ang reaction ng Parliament noong kayo ay magsalita tungkol sa mga kaganapang ito?.
LI: Iyong sub-committee - the Standing Committee on Foreign Affairs on Human Rights ay napakaganda
ng kanilang reaction. Sa una palang pagsabi na “natutuwa kami na nandito kayo at sinasabi ninyo ang mga nangyayari sa
sarili ninyong bansa and we appreciate it because we know the great risk that you have been running. Kasi katulad ng isa sa
kasama ko, si Satur Ocampo - nabilanggo ng panahon ni Marcos. The longest political prisoner. At kahit na nang panahon ni
Gloria Macapagal-Arroyo idinemanda na naman siya ng multiple murder. At that time na nandon naman siya sa bilanggo-papaano
niya ginawa iyon. At saka isa siyang Kongresista. Ganon ang mga kasong iyan.
Si Representative Crispin Beltran, na inihabla rin ng rebellion dahil sumali rin sa mga protesta
dahil siya ang head ng mga kilusan ng manggagawa , eh dahil may sakit ay nandoon sa hospital. Almost two years ay nakakulong
sa hospital. Ngayon pinapabayad pa siya ng mga gamot na kanyang natanggap bilang isang preso ng hospital.
Kami rin ay isinangkot sa mga rebellion kahit hindi kami sumali sa mga akusasyon nila. At ako’y
biktima ng bombing sa kongreso. Ang aking driver ay namatay, anim, including another congressman passed away.Hanggang ngayon
wala pang nangyayari doon sa kaso.
TP: Sa pagdulog ninyo sa Canadian parliament, ano ang hinihingi ninyo para i-address and kasong
ito?
LI: Ang isa ay tingnan, magpadala kung pwede ng mission. Nang mga Parliamentarians na mismo. Kung
hindi pa sila naniniwala sa reports, pwede silang pumunta sa Pilipinas. Iniimbitahan namin sila upang sila mismo ay tumingin
upang makita kung ano ang nangyayari.
Pangalawa, we are also asking the Canadian government to exert pressure on the Arroyo government
to implement the recommendations of the United Nations special reporteur’s report. Kasi ang sinasabi doon sa report
ay panagutin, ihabla ang mga may kasalanan. At hindi pa rin ginagawa iyan ngayon.
At pangatlo, dahil nakikita natin na napakalaki ng damage na ginagawa nitong mga mining companies,
mga Canadian mining companies. At mayroong nasilip na mayroong mga project na sinusuporthan ng CIDA, which is the Canadian
ODA, at itong mga projects na ito ay doon nangyayari sa mga areas na nandoon ang mga mina at kung saan nandoon din ang tinatawag
na counter insurgency campaign ng gobyerno. Kaya ang tanong doon, baka ito ay directly or indirectly nagagamit sa counter
insurgency campaign ng Pilipinas at ang mga human rights abuses ay resulta ng mga ganitong suporta. Kaya kung pwede ang aming panawagan din ay review-hin, tingnan ang mga records. Idis-close. Kasi ayaw
ibigay, classified daw ang mga dokumento. So, kung pwede, tingnan ang mga dokumento, at kung may makitang may kuneksiyon ay
i-suspend temporarily. Dahil noong panahon ni Marcos, noong talamak ang human
rights abuses, ginawa na ito ng Canadian government. Sinuspend nila ang mga projects na iyon. So pwede rin nilang gawin iyan
ngayon.
TP: Pero hindi kaya naman maituturing ito na panghihimasok sa affairs ng isang sovereign country
like the Philippines?
LI: Panghihimasok ba kung humihingi ka nang tulong at nanawagan ka na “Look, you came to
our country. Pinasok mo itong malaking kumpanya at nandito ngayon ang kanilang mga ginagawa. May mga Human Rghts abuses.”
Hindi sila humingi ng pre-prior consent sa mga indigeous tribes. Pumasok lang, hindi itinanong kung “payag ba kayo na
kami ay mag-operate dito?” At alam naman natin na kapag ang kumpanya ay nago-operate sa mga malaking area – open
pit mining ang operations. Pag open pit mining, bubutasin ang buong lugar, sira ang mga farms. Wala nang maitanim na palay
at hindi na iyon mababalikan.
At iyong watersheg, ang source ng tubig na iniinom mawawala rin. Kaya ang environmental destruction
ay napalaki.
Alam naman natin na ang mga Canadian ay napaka-aware sa mga human rights abuses at nirerespeto
talaga nila ang pagpahalaga sa karapatang
pangtao, kaya mas dapat tingnan, dahil pera ng mga Canadians ang pumupunta doon.
Hindi ito panghihimasok. Ito ngayon ay isang panawagan, galing sa isang bansa na naapektuhan
doon sa mayamang bansa na nakaapekto. Kaya magtulungan tayo. Para
mutually beneficial naman ang ating mga projects. Hindi iyong nakakasira iyong nasa kabila. Dahil ba mas mahirap iyong mas
maliit ay pwede nating gawin ito?
TP: Ano naman ang magagawang tulong nga mga Pilipinog nakatira na dito sa Canada para sa sitwasyong ito?
LI: Maging aware. Do not isolate yourself. Don’t say “I’m already here in Canada and therefore wala na tayong concern sa Pilipinas.” Dapat din ay nakaka-alam kayo.
TP: Bakit naman kailangan magpunta pa rito sa Canada or sa ibang bansa ang mga taong katulad ninyo para ihayhay ang baho nating mga
Pilipino?
LI: Kasi wala nang nakikinig doon sa ating bansa. Ang ating presidente ay nagbibingi-bingihan.
Nagbubulag-bulagan. EH, heto na nga ang mga United Nations special raporteur na nagsasabing aminin na ninyo. Do something
about the recommendations pero wala pa ring nangyayari. Kaya mga Parliamentarians kami, kapwa Parliamentarians din ang aming
nilalapitan – kaya pwede natin gawin iyon.
At kung sinasabi nilang “we have a vibrant democracy kaya nga pwede silang pumunta dito,”
I think we have a threatened democracy. And people of the world should know what’s going on in the Philippines. And Filipinos here in Canada should also be aware. Merong problema sa ating bansa
kaya dapat tayo ay makialam or mag-aral, makinig. Dahil mayroon pa tayong mga kamag-anak na nandoon.
Immediately below is the transcript of Tinig pInoy’s interview with Ambassador Jose Brillantes
minutes after the above interview with Rep. Luz Ilagan:
TP: According to Luz Ilagan you quoted wrong numbers when interviewed about the reported 900
extra judicial killings in the Philippines.
JB (Amb. Jose Brillantes): Iyong mga numero kung aking natatandaan ay, hindi naman ganoon kalaki.
Kung hindi ako nagkakamali it’s about 200. But I will not dispute that because I am sure they have a basis for that
in the same manner that the government has also a basis for the numbers given.
TP: So what you are saying is that the numbers are not really what’s important. It is what
is behind those numbers? Totoo po ba naman na maraming extra judicial killings na hindi nareresolba sa tulong ng police, the
military and the Philippine government?
JB: In fact, isa sa mga policies and priorities ng gobyerno ay upang maresolba nga iyan. That’s
the reason why iyong Task Force USIG, iyong Task Force 211 at saka iyong Melo Commision kaya po itinayo iyan ay para nga tingnan
ang mga alegasyong ito. At ang katotohanan, maganda naman po ang mga developments, kagaya po nang report na ginawa ni PNP
Chief Oscar Calderon, although noong 2006 pa ito, iyong sinasabi na 110 ang party list members na napatay daw sa period ng
2001 and 2008 eh, tatlumpo’t dalawa sa mga kasong iyon ay nasolve na ng PNP at pitumpu’t walo ay undergoing investigation.
But that was in 2006 yet so there may already been more that’s been solved.
At iyon pong sinasabi na ang suspect ay puro mga military, actually doon po sa mga kasong sinasabi
whether they are 800 or 600 or over 200 , sasampu po lamang ang mga insidente na involve ang military personnel at ang police
ay iisa lamang ang insidente.
If I may add, parang academic na ang mga bagay na ito sa ngayon. I am here in Geneva right now and attending a convention on the Protection of Migrant Workers and
Members of the Families. Nagkataon po na katatapos lamang ng review ng human rights record ng gobyerno ng Philippines. At doon po sa presentation na iyon na ginawa sa Human
Rights Commission ng United Nations’ Human Rights Council ay binigyan po ang Philippine government ng clean bill of
health. At doon po sa UPR, ito po ang Universal Periodic Review ng United Nations Human Rights Council, ang sabi po ni Presidente
Doru Costea ng Romania, who is the President of UN Human Rights Council, eh ang ipinakita at inilabas ng Philippine government
na sinuri ng UN Human Rights Commission ay outstanding po ang record ng Philippines.
Inilabas po lahat dyan, in fact the commission extended its appreciation to the Philippine government
for frankly acknowledging the challenges as well as outlining all the steps taken to address the killings and included there
is the protection of children and women. Kaya iyon pong session na iyon na inattendnan ng buong Human Rights Commission, headed
by President Costea, ay nakinig po sa ating panel. Ipinalabas po ang kanilang presentation, lahat po ng klaseng tanong ay
itinanong ng buong committee at ang sabi po ng commisson ay “it is outstanding and it is notable that this concern is
being addressed by the Philippine government.”
Kaya iyon pong mga statistics ay magandang tingnan. Pero in the overall, we have passed the scrutiny
of the United Nations Human Rights Commission.
TP: It appears that the United Nations has two conflicting versions: one from Professor Alston
and the other one which was presented during the UN Human Rights Council convention which you have shared with us.
JB: And this report was just 2 days ago and therefore more recent.
TP: Another issue the three solons brought to the fore is that apparently the Canadian mining
companies operating in Mindanao are using the military in what they suspect is a measure
to control the people in the mining areas operated by these Canadian companies
JB: That becomes a matter of scrutiny again. Mayroon po naman tayong proseso In fact if you involve
the Canadian government there no less than the former Ambasador of Canada to the Philippines, Ambassador Peter Sutherland,
was very active in that particular area. He made sure that he could oversee what was happening there. If there was something
suspicious, I am sure he would have reported the developments to his government. The current ambassador, Ambassador Desjardin
is also closely monitoring what is happening there. And I am quite sure that if there is something like this happening, knowing
the track record of Canada, they would already have something to say about this.
I am not disputing this only because I have no information sufficient to form a belief. But if
this is the case, I’m sure it will be brought out and this will be scrutinized and investigated.