PROMDI: Lam ko promdi lang ako kaya wag mo kong lolokohin! Bakit ganito ang kwarto ko?!?! Maliit, wala pang
kama at bintana..... ha?!?!
ROOMBOY: Sir, nasa elevator pa lang po tayo...
*************
Jun-Jun: Inay! Ako lang ang nakasagot sa tanong ng titser namin kanina!
Inay: Very good! Ano ba ang tanong ng titser ninyo?
Jun-Jun: "Sino ang walang assignment?"
*************
Thelma: Sabi mo, dok, safe ang calendar method. Eh, bakit ako nabuntis?
Dok: Paano nyo ba ginamit ang kalendaryo?
Thelma: Ginawa naming banig.
*************
Boss asks sexy secretary to a dinner after overtime: Are you free tonight?
The sexy secretary replies: Sir, ha... huwag naman, FREE... Bibigyan na lang kita ng discount!
*************
Gumimik sa mall ang tatlong binatilyo...
Jepoy: SYET! Ang cute nung girl!
Kevin: Sexy pa! Grabe!
Nathan: Sino? Yung naka-mini skirt, na red? Yun, yun ba? Ha? Kilala ko siya! Teka tatawagin ko ha, kuyaaahhh
Ambet!
*************
Eliseo: Sobra na talaga ang katangahan ng kumare mo. Ang akala niya, ang LAWSUIT ay uniporme ng pulis!
JoshuA: Sus! Tanga nga! Eh di ba, uniporme ng abugado yun?!
*************
Host: Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?
Tanda: Pwede ho bang manawagan?
Host: Ilang taon na po kayo?
Tanda: 98 y/o na po ako.
Host: Wow! Ang tanda nyo na pala! O, sige po... manawagan na kayo.
Tanda: Itay, umuwi na kayo! Hindi na nagagalit si Lolo sa inyo!
*************
Namatay ang isang mister na babaero. Sa requiem mass, sinabi ng pari patungkol sa namatay, "An honest man, a
good man, a family man" etcetera.
Binulungan ng biyuda ang panganay na anak, Pakisilip nga ang kabaong kung ang daddy mo nga ang nasa loob!"