Pinoy Eh! Online

Showbiz News - March 2006
Home
Article Page
Features
News Reports
Photo Album Page
Mailbag
Contact Us
Editorial
Archives
Pinoy Newstand
Organizations

Volume 5 - Issue #2
Pinoy Eh! Online Edition
March 2006

Rustom Padilla, Umaming Bading!

Simula’t simula pa lang pala, alam na raw ni Robin Padilla ang pagka-bading ni Rustom. In fact, ito pa raw ang nagtatanggol noon kay Rustom. Kaya nga raw nang umamin si Rustom sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition (PBBCE), hindi na na-shock ang action star. Natuwa pa nga raw ito nang umamin ang kapatid sa PBBCE na bading siya.

Oh well, kung nakakahinga na ng maluwag si Rustom malamang na ganu’n din ang nararamdaman ni Robin ngayon.

Bukod sa pagtatapat ni Rustom Padilla sa tunay niyang katauhan sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition ay big issue rin si Bianca Gonzales na umaming two years ago na pala niyang crush ang Bench model housemate na si Zanjoe Marudo.

rustom.jpg

Bianca Gonzalez
bianca.jpg
Click picture to resize

Bianca, crush si Zanjoe!

Ipinagtapat ni Bianca sa 2nd evictee na si Christian Vasquez na dalawang taon pa niya nakikita sa mga fashion magazine si Zanjoe at ipinagtatanong na nga raw niya kung sino ang taong ito at gusto niyang makilala, pero walang makapagsabi.

Kaya laking gulat daw niya na sa loob ng Bahay ni Kuya lang pala niya makikilala at makakasama ang kanyang biggest crush ng 55 days (kung hindi mae-evict ang isa sa kanila) kaso huli na dahil may special someone na siyang naghihintay sa paglabas niya sa PBB house, si Direk Lino Cayetano na isa sa director ng Komiks.

Bagama’t umamin na ang tv host/actress tungkol sa nararamdaman niya kay Zanjoe ay siniguro naman niya sa sarili at sa special someone niyang hindi magbabago ang kanyang desisyon at sana’y huwag din daw magbago ang taong mahal niya kapag nalaman ang kanyang saloobin.

At mas lalong kinilig ang viewers dahil umamin din si Zanjoe na may gusto siya kay Bianca at aware rin siyang may boyfriend na ito.

No offensement kay Direk Lino pero mas bagay sina Zanjoe at Bianca dahil pareho silang Pinoy tingnan at pareho silang kayumanggi kumpara kay Direk Lino na para silang kape’t gatas ni Bianca.

 

Piolo, mahilig sa ice cream?

Nabanggit namin ito dahil ito palang si Piolo Pascual ay sobra ang pagka-baliw sa ice cream at halos lahat ng okasyong pinupuntahan niya ay parating ice cream ang hinahanap niya o kaya’y siya ang may bitbit bukod pa sa mamahaling bulaklak at madalas din daw siyang nakikitang bumibili maski na anumang oras sa mga nadadaanang convenience store.

Malalaman kung sino ang special someone ni Piolo isa sa mga araw na ito dahil makakatanggap daw ito ng 10-ft high balloon and flower arrangement na may pawang puti at pink anthurium na binili sa isang mamahaling flower shop.

Naloka pa kami dahil pina-block off daw ng aktor ang isang buong linggo ng June sa handler niya sa Star Magic, meaning, ayaw niyang magtrabaho sa buong isang linggo dahil birth month ng mahal niya!

Click picture to resize
piolobw2.jpg
Piolo Pascual

Ottawa, Ontario CANADA

Feedback, submissions, ideas? Email editorial@pinoyeh.com